Home » Latest News » Isyu sa Scarborough Shoal, lalong lumalala

Isyu sa Scarborough Shoal, lalong lumalala

Matagal na ring pinag-uusapan ang isyu tungkol sa kung kanino dapat mapunta ang Scarborough Shoal, sa Tsina ba o sa Pilipinas at ibang karatig bansa.  Sinasabi ng bansang Tsina na ito ay parte ng South China Sea na dapat ay sa Tsina subalit may ibang karatig bansa na umaangkin sa nasabing Scarborough Shoal.

May kani-kaniyang demographic issues dito na matagal na nilang ginagawan ng solusyon subalit mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin at bagkus ay lumalala ang sitwasyon.  Sa isang parte ng naturang Shoal ay ang pag-aari ng Pilipinas at mayroong maipapakitang pruweba ang Pilipinas na ito ay nasa Philippine area of responsibility subalit pilit diumanong inaangkin ng mga Tsino ang nasabing lugar.  Hindi lamang iisang beses nagkaroon ng iringan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil lamang sa mga nahuhuling  mangingisdang Intsik na pumapalaot sa area ng Pilipinas at nangunguha ng yamang dagat.

Maliban sa mga yamang dagat, malamang na nakatuklas na umano ng langis ang China sa Scarborough Shoal kaya pilit nilang inaangkin ang nasabing isla kahit nasa loob na ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Dahil dito, iginigiit ng mga mambabatas na bilisan ang  paghahain ng reklamo sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS) bago pa man tuluyang maagaw ng Tsina ang nasabing isla at magutom ang mga mangingisdang Pinoy dahil dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay sa pamamagitan ng pangingsida.
Dahil sa tensiyonado ang nasabing lugar ay hindi makapangisda ng maayos,sa Scarborough Shoal, ang ating mga kababayan dahil may bantay sarado ang mga Chinese fisherman ng kanilang awtoridad.
Ang layon ng ating  mambabatas ay upang maagapan ang anumang bantang pagkasira ng ilalim ng dagat na dulot ng pagkuha ng mga Intsik ng corals at iba pang yamang dagat o baka alam na rin nila na may natuklasang langis sa ilalim nito kaya ayaw nilang lisanin ang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>