Home » Miscellaneous » HOME CLEANING TIPS

HOME CLEANING TIPS

HOME CLEANING TIPS

 Housework: Weekly Cleaning Checklist

1. Organize your cleaning supplies

Para sa karamihan sa atin, ang paglilinis ng tahanan ay isang bagay na “dapat” gawin, hindi “gustong” gawin. Isang paraan para mas mapabilis ang paglilinis ng bahay at siguruhing laging presentable para sa mga biglaang pagbisita ng mga kaibigan, gumawa ng lingguhang gawaing-bahay na sumasaklaw sa pangunahing bagay na dapat gawin. Ito ang magu-umpisa at magdagdag na lamang ng mga iba pang espesyal na gawain kung kinakailangan.

Para maging mas maayos at organisado, kumpletuhin muna ang mga bagay na gagamitin para huwag mawala ang momentum na habang nasa kasagsagan ng paglilinis ay biglang titigil para lamang hanapin ang isang bagay na gagamitin sa panlinis. Umpisahan sa mga panlinis na tulad ng basahan, panlinis ng toilet at brush, lumang toothbrush para sa grout sa loob ng banyo at ang mahirap na abutin ng eskoba.

2. Decide on your cleaning style

Ang estilo ng paglilinis ay magkakaiba. May mga taong gustong gawin ang pagpapalis ng alikabok sa bawat kuwarto at mayroon din namang chine-check ang bawat kuwarto at gawin ang paglilinis para hindi na bumalik pa sa kuwarto. Wala namang tama o hindi tama sa paraan ng paglilinis kaya mas mabuting mag-eksperimento upang malaman ang mas mabilis na paraan na gusto mo.

3. Job One: Clear out the clutter

Kahit ano pang paraan ang paglilinis, ang unang gagawin natin para mas maayos ang pagu-umpisa ng paglilinis ay pagtanggal ng kalat. Ilang minutong ilalaan para damputin ang mga damit, libro, laruan at ibalik sa kinalalagyan. At ihanda ang mga panlinis at tuluy-tuloy lang na walang hadlang o abala.

4. Living Room

Sa salas o kahit saan kuwarto ng tahanan- umpisa ang mataas na lugar pababa. Ang tamang pangtanggal ng alikabok ay paggamit ng microfiber na basahan na nalalabhan, basain at pigain. Iwasan ang paggamit ng sobrang furniture polish dahil nagi-iwan lamang ito ng sobrang lagkit at naiipon lamang sa katagalan ay namumuo. Siguruhing mapupunasan ang lahat ng gilid ng kagamitan.

5. Kitchen

Linisin ang counter top, tanggalin ang mga nakalagay sa ibabaw, ispreyan ng eco-friendly cleaner at pag malinis na ay saka ibalik ang mga nakapatong tulad ng canister, garapon at iba pa pero siguruhing hindi ito nakaharang at bagkus ay ilagay sa gilid para mas organisadong tignan. Punasan ang mga gamit sa kusina tulad ng appliances kasama ang refrigerator, stovetop, microwave, conventional oven at pati ang exhaust fan. Kung ang exhaust fan filter ay malagkit sa langis, ibabad ito sa maligamgam na tubig na may sabon. Huwag ding kalimutang linisin ang loob ng microwave oven para maaalis ang amoy na naiwan ng mga ulam na iniinit.

6. Bathroom

Tanggalin ang mga bagay na hindi dapat nakalagay sa ibabaw ng lababo. Umpisahang linisin mula sa itaas pababa. Umpisahan sa salamin, pababa sa counter tapos ang sabitan ng tuwalya. Pagkatapos ay linisn ang toilet, sink, tub at ang shower. I-refill ang sabong luma na at maliit, i-refill din ang lalagyan ng shampoo at conditioner. Pag malinis na ang lahat ay saka maglagay ng bagong tuwalya na dapat ay pinapalitan isang beses sa isang linggo.

7. Bedrooms

Umpisahan sa pagpapalis ng alikabok sa lampshade, pasimano ng bintana at ang muwebles sa loob ng silid-tulugan. Palitan ang bedsheet ( isang beses sa isang linggo), pati ang quilt o comforter, ang unan at punda ay dapat ding labhan o dry clean tuwing ika-6 na buwan.

8. Every Room

Sa bawat silid ay tignan kung may namumuong bahay ng gagamba (cobwebs), alisin ito, i-vacuum ang exhaust fan cover, i-vacuum o palisan ng alikabok ang bawat kanto ng kuwarto, punasan din ang doorknobs, pintuan, maski ang lightswitch. Ang mga ganitong gawain ay hindi naman ginagawa linggu-linggo pero kung may napansin kayong dapat asikasuhin o linisin agad para hindi na mapabayaan pa ay gawin na.

9. Save the floor for last

Ang alikabok at dumi ay depende sa kung gaano karami ang lumagpak sa sahig mula sa itaas. Kaya marapat na linisn ang sahig sa bandang huli para mas malikom lahat ang mga alikabok. Ito ay depende rin kung ang inyong sahig ay carpeted o tiles o hardwood o linoleum. Maging maagap sa paglilinis para hindi mamuo ang mga dumi at mas mahirap linisin.

10. Prepare for next week’s cleaning

Pagsabihan ang mga kasama sa bahay na itabi agad ang mga bagay na kanilang ginamit tulad ng libro, laruan, mga gawaing-bahay mula sa eskwela, toothpaste ( sa banyo), ang ibang pinagkakalibangan, make up, kasangkapang panluto at iba pa. Ito ang makakabawas ng trabaho kapag ginawa na ninyo ang inyong pang-lingguhang routine, ang paglilinis ng bahay. Isa sa pinakamabuting gawin ay patulungin ang mga kasama sa bahay para maglinis.

One Response to HOME CLEANING TIPS

  1. mary leolin padinit Reply

    July 10, 2013 at 9:49 am

    translate please

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>