Home » Latest News » Lungsod ng Caloocan, handa sa bagyo

Lungsod ng Caloocan, handa sa bagyo

Ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ay nagpahayag ng kahandaan sa pagdating ng malalakas na bagyo tulad ng sinapit ng bansa kay “Gener” na nanalasa sa Pilipinas, kung kaya’t hindi dapat na mangamba ang mga residente rito.

Ito ang pagtiyak na ginawa ni Mayor Enrico Echiverri, kasabay ng paalala na sa gitna ng kahandaan ay hindi pa rin umano dapat na magpabaya at ipagpatuloy ang pag-iingat ng mga ito ngayong tag-ulan.  Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga gamit ng rescue team ng lokal na pamahalaan upang matiyak na sasapat ito sakaling magkaroon ng rescue operation.  Napahanga ang mga tauhan ng DILG sa rescue team ng Caloocan City dahil kahit hindi masyadong nakararanas ng matinding pagbaha ang lungsod ay kumpleto ang mga gamit nito sakaling magkaroon ng operasyon. –(Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>