Home » Latest News » Mga batang kriminal, dumarami

Mga batang kriminal, dumarami

Dumarami at pabata ng pabata ang mga batang juvenile.  Itong mga batang criminal o menor-de-edad na nasasangkot sa pagnanakaw, pangho-hold up, pagtutulak ng droga at iba pang labag sa batas ng lipunan.  Dahilan upang ang mismong  Senado ay maalarma na sa lumalaking bilang ng mga batang sangkot sa krimen.

Ayon kay Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, tinitimbang ngayon ng Senado ang pagsuspinde sa isang batas upang sa gayon ay maipakulong ang mga nagkakasalang kabataang wala pa sa legal na edad na 18.  Pagbobotohan ng mga senador kung anong hakbang ang pwedeng gawin para maawat ang tumataas na juvenile criminality.  Ayon kay Escudero, kabilang sa pagpipilian ay ang pag-amyenda ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (RA9344) upang sa gayon ay maremedyuhan ang butas ng nasabing batas na siya ngayong naabuso ng mga kabataan at ang pangalawa ay ang tuluyang pagsuspinde ng implementasyon sa RA 9344.

Kung sususpindihin ang RA 9344, sinabi ni Escudero na balik sa dating gawi ang pagtrato sa mga batang naliligaw ng landas kung saan ikukulong sila kasama ng mga ordinaryong kriminal.-(Abante)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>