Home » Beauty & Glamour » BEAUTY TIPS

BEAUTY TIPS

 Azuki

Japanese Beauty Secrets – Ancient Japanese Beauty and Skin Care Secrets Exposed

Kung kagandahan ang pag-uusapan, marahil ang mga Haponesa pa rin ang numero uno. Paano nga ba nila napapanatili ang pagiging maputi ang balat, malambot, makinis at manatiling mukhang bata sa mahabang panahon?

Hindi kinakailangan na maging Haponesa para maranasan ang mga benepisyong epekto ng tradisyonal na beauty products ng Japan. Maraming mga produktong maaaring gamitin tulad ng face cream, eye cream, masks at iba pa. Ang mga produktong ito ay nagpapakita ng responsable at tradisyonal na paraan para sa kagandahan at kalusugan ng balat.
Narito ang ilang mga sikreto ng mga Haponesa sa pangangalaga sa kanilang balat at pagpapanatili ng kabataan na minana nila mula pa noong unang panahon.

· Para sa mga Hapon, iniisip nila na ang vitamin C ay mahusay sa balat at nakapagpapaputi kaya madalas silang kumakain ng oranges ( kahel) upang ma-deoxidize at buwagin ang melanin na nagre-resulta ng mas maputing balat.

· Gumagamit sila ng Azuki – Ito ay isang klase ng red bean. Ito ay sinaunang sangkap sa Japan na kapag ikinuskos sa mukha ay mapapanatiling malambot ang mukha at malinis.

· Gumamit ng signature oil – kesa sa ordinaryong oil na ipapahid sa mukha. Ito ay magagamit upang malinis ng maayos ang mukha at makakatulong din sa toning.

· Komenuka rice bran – isang special ingredient na ginagamit ng mga Hapon. Ito ay nagpapalusog at tumutulong upang mapanatiling bata ang inyong balat. Ginagamit din ito upang maiwasan na magkaroon ng wrinkles, dark circles sa ilalim ng balat at nako-kontrol pa nito ang natural na oil ng mukha.

· Oriental herbs – ginagamit nila upang pangalagaan ang balat. Nilalabanan nito ang panunuyo ng balat.

· Exfoliation - ito ay parang clear gel na ginagamit upang tanggalin ang mga nanunuyo at dead skin cells sa mukha.

· Wakame kelp – isang klase ng halamang dagat na nakikita sa dagat ng Japan at isa sa pinakamahusay mag-alaga ng balat sa natural na paraan. Ito ay nagpo-protekta laban sa UV rays mula sa sikat ng araw at nagpo-protekta rin sa balat mula sa nakakasirang polusyon ng paligid. Ang paggamit din nito ay nagbibigay proteksiyon sa balat upang maiwasan ang paglabas ng mga gitla at pangingitim ng ilalim ng mata.

Additional tips:

Importatnteng alamin mabuti ang sangkap sa label ng bawat produktong pampaganda na inyong gagamitin.
May mga produkto na kapag ina-advertise ay pawang magaganda ang mga epekto na para bang sinasabing ang kanilang produkto ang pinaka-epektibo. Tulad halimbawa ng ” This lotion and essence work immediately against your wrinkles, sagged skin, or brown spots.”
“This anti-aging cream will make you look amazingly young.”
Maaaring epektibo sa iba o hindi ang advertisement sa dahilan na hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang texture ng balat. Karamihan sa atin ay bumibili ng produkto dahil nakikita natin sa commercial na gamit ng artista. Kaya naman ang mga advertisers na ito ay pinipili ang mga popular na artista upang makahikayat ng buyers dahil alam nilang sikat ang mga ito at susundin ng mga mamimili.
Dapat lang na ma-excite tayo para sa ating pagpapaganda, subalit ang mahalaga dito ay ang piliin ang tamang kosmetiko at tignan ang sangkap.
Maraming klase ng brand-name na skin products o yung mga mamahalin ay may sangkap na anti-aging. Ngunit kahit na ito ay mamahaling produkto, karamihan sa kanila ay may antimicrobial at antioxidant na peligro sa pagkakaroon ng allergy at minsan ay nagiging sanhi ng cancer.
Karamihan sa mga Haponesa ay mahilig sa make-up at mga kosmetiko . Importante sa kanila na tingnan lagi ang sangkap ng bawat produkto na kanilang binibili dahil ang kanilang balat ay sensitibo . Hindi nila gusto ang mga kosmetikong may toxic antioxidant.
Dapat ay pumili ng kosmetiko na may natural at simpleng sangkap. Tulad ng pagpili ng tamang produkto para sa acne.
Ang pagkuskos ng sabon sa mukha ay lalo lamang magpapalala ng acne kaya iwasan ang pagkuskos nito. Inaakala ng iba na matatanggal lahat ng dumi kung ito ay gagawin subalit magdudulot lang ito ng pagiging magaspang na mukha at mas magiging oily ito na nakakalala ng acne.
Dapat na hugasan ng banayad ang mukha at gumamit ng mild soap sa lugar na oily (madalas sa ilong at baba). Hugasan ng malamig na tubig pagkatapos. Magpahid ng lotion sa mukha para magkaroon ng moisture ang balat.

 

6 Responses to BEAUTY TIPS

  1. mergie Reply

    April 27, 2013 at 6:43 pm

    saan po ba nabi2li yung product ng mga japanese?..

  2. lyannah Reply

    May 17, 2013 at 7:43 pm

    san po mabibili ung mga beauty products ni pinost nio…

  3. danica Reply

    August 27, 2013 at 10:24 am

    meron ba sa pilipinas ng prodoktong un

  4. katherine Reply

    October 19, 2013 at 2:40 am

    Meron b dito s pilipinas ngbbebta?

  5. rocel Reply

    April 15, 2014 at 7:01 am

    Meron Ba nun Dto sa Pilipinas? At saan Ba nakaka Bili Pag dto Binebenta sa Pilipinas?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>