Home » Miscellaneous » Household Products for Spring Cleaning

Household Products for Spring Cleaning

Malapit na naman ang pagdating ng tag-sibol, at kailangan na namang ihanda ang kabahayan para sa pagpasok na mas mainit na panahon, mula sa matinding lamig ng winter.  Pero hindi na kailangang makakagastos pa ng malaki para sa inyong paglilinis.

Ang mga sumusunod ay mga paraan kung paano kayo makakatipid, at makakagamit ng mga produktong normal nang nakikita sa ating bahay:

1 Baking soda
Ito na siguro ang pangunahing gamit na panlinis sa tahanan.  Magaling ito na pang alis ng amoy sa refrigerator, carpet, alpombra at iba. Maari din itong gamitin paglilinis ng husto ng mga kaserola, kawali at mga tupperware. Karagdagan, ang medyo magaspang na baking soda ay makakatulong din sa ilang lugar sa tahanan na kakailanganin ng pagkuskos at paglampaso.

2 Hydrogen Peroxide

Karaniwang ginagamit sa sugat bilang panlaban sa mikrobyo, ngunit maari ring disinfectant sa loob ng tahanan.  Maari itong ipahid sa lugar na may amag at maaring pinamamahayan ng mikrobyo. Ikanaw sa maligamgam na tubig, at pwede na itong panlinis ng pader at sahig, maging ng banyo.

3 Lemon juice

Mahusay an anti-bacterial ang lemon. Pag ihalo ito sa panlinis na tubig o sabon, makakatulong na makatanggal ng masangsang na amoy. Kaya rin nitong mag-iwan ng mas mabangong amoy sa mga lugar na nilinis. Ito rin ay isang alternatibong gamit sa pagpapaputi.

Maaaring gamitin sa baso, salamin at ang mga namantsahang coffee pots.  Pwede rin itong gamiting panlinis ng tanso.

Cleaning up the house with these basic products.

4 Olive oil

Mahusay sa mga muwebles na yari sa kahoy at maging sa sahig na tabla. Maaari rin nitong pakintabin ang stainless steel na mga gamit.  At kung may napapansin kayong nag-iingay na  bisagra, patakan lamang ng kaunting olive oil.

5 Pure castile soap

Ang Pure castile soap ay gawa mula sa sangkap ng olive oil, at ito ay epektibong sabong palinis. Ihalo ang sabon na ito at asin o baking soda para pangkuskos. Ang kagaspangan ng asin o baking soda ang tutulong sa panlinis ng mga lugar na may mantsa.  Pwede rin iton gamitin sa mga damit na may mantsa. At para madagdagan ng sariwang amoy ay pwedeng haluan ng katas ng lemon.

6 Salt

Ito ay mahusay na produkto upang gamiting pangkuskos at panglampaso sa loob ng tahanan. Ang asin ay may sangkap na nakkatanggal ng amoy na maaari itong gamitin panlinis ng pinggan, baso lalo na ang malangis na kawali.  Maaari itong ipaghalo sa suka para maging mas epektibong panlinis.

7 Tea tree oil

Ang tea tree oil ay maaaring gamitin upang pakintabin ang mga muwebles na gawa sa kahoy. May dagdag na abilidad ito na kayang pumuksa ng mikrobyo o kagaw. Maaari mo itong ipaghalo sa tubig at ilagay sa spray bottle at gamitin panglinis ng amag sa lugar na madalas ito ay namamahay tulad ng banyo. Pwede ring gamitin sa labahin bilang proteksiyon sa mga damit na nagu-umpisang amagin.

8 White vinegar

Ang  sukang puti ay isa sa makakatulong upang gamiting panlinis ng tahanan.  Ang dahilan dito ay isa itong anti-bacterial na produkto na may kakayahang pumatay ng kagaw o mikrobyo.  Mahusay ding pumatay ng anumang nagu-umpisang amag.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>